Suliranin sa Agrikultura sa Pilipinas
Ang agrikultura ay isang agham na may kaugnayan sa hilaw na materyal mula sa likas na yaman. Ito ay may kaugnayan sa pagpaparami ng hayop at halaman. Kabilang dito ang panggugubat, pagsasaka at paghahayupan.
Hanapbuhay sa Agrikultura
Paghahayupan at Pagmamanukan - babuyan, bakahan, manukan at patuhan. |
Pagsasaka- gulayan, prutasan, niyogan, maisan,tubohan at palayan. |
Pangingisda- komersyal na pangingisda. |
Kahalagahan ng Agrikultura sa Pilipinas
1. Nakakapag hatid ito ng dolyar sa ating bansa.
2. Bumibili ng produkto ng industruya.
3. Pinanggalingan ng hilaw na materyales.
4. Nagbibigay ng hanap buhay.
Mga suliranin sa Agrikultura
Mataas na gastusin sa magsasaka- Isa ito sa hinaing ng mga magsasaka ang patuloy na pagtaas ng pananim. Kabilang dito ang renta sa lupa, abono, patubig, renta sa kagamitang pagsasaka at iba pa.
Problema sa Imprastaktura- Maraming liblib na lugar sa Pilipinas walang kuryente.
Problema sa Kapital- marami ang magsasakang umaasa sa pautang, bunga ng walang kapital.
Masamang Panahon- Mapaminsala ang panahon ng tagtuyot at tag-ulan na sumasalanta sa bansa. Nakakaapekto ang pabago bagong klima sa ating bansa.
Monopolyo sa pagmamay-ari ng lupa- Pangarap ng magsasaka ang magkaroon ng sariling lupa.